^

Probinsiya

2 Army, sibilyan pinabulagta

Joy Cantos at Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabahiran ng dugo ang birthday celebration makaraang ratratin hanggang sa ma­patay ang dalawang sundalo at isang babae sa isa na namang paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay San Vicente, bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Col. Rho­derick Parayno, comman­der ng Army’s 201st Infantry Brigade ang dalawang sundalo na sina Pfc. Christopher Dingle at Pfc. Alpasain Ikan na mga nakatalaga sa 85th Infantry Battalion.

 Samantala, ang sibilyang nadamay sa karahasan ay si Rosalie Mary Ann Brillantes na nag-celebrate ng birthday.

Nabatid na nag-iinuman at nagkukuwentuhan sa birthday party ng kanilang kaibigan ang dalawang sundalo nang lapitan at ratratin ng mga rebelde.

Sinabi ng opisyal na nagawa sanang makaligtas ni Brillantes dahil sa kabila ng sugatan ay nagawa nitong makatakbo pero hinabol at tuluyang tinapos ng mga rebelde.

Inihayag pa ng opisyal na sasampahan nila ng kasong kriminal ang mga rebeldeng sangkot sa brutal na pamamaslang.

vuukle comment

ALPASAIN IKAN

BARANGAY SAN VICENTE

BRILLANTES

CHRISTOPHER DINGLE

GUMACA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

NEW PEOPLE

ROSALIE MARY ANN BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with