^

Probinsiya

Bus vs trak: Konduktor patay, 21 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalubong ni kamatayan ang isang konduktor  habang 21 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang  magbanggaan ang pampasaherong bus at kasalubong na  truck sa kahabaan ng North Luzon Expressway (MLEX) sa Pampanga kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Benedict Dipan, konduktor ng Victory Liner Bus habang isinugod naman sa Jose Ligad Hospital ang mga sugatang biktima kabilang ang driver ng bus na si Renato Fajardo na nasa malubhang kalagayan matapos mabalian ng dalawang paa.

Sa ulat ng Pampanga PNP na nakarating sa Camp Crame, sa tindi ng pagkawasak ng bus ay kinailangan pang gamitan ng  makabagong heavy equipment upang maialis sa pagkakaipit ang konduktor at maging ang driver ng bus.

Ayon sa pulisya, naganap ang trahedya pasado alas -12 ng madaling araw sa acceleration lane ng NLEx kung saan sangkot ang nasabing bus at 14-wheeler  truck na kapwa kalalabas lamang sa gasolinahan sa nasabing lugar.

?Ayon sa pulisya, parehong may pagkukulang ang driver ng truck at ng bus na posibleng maharap sa mga kasong homicide resulting in multiple physical injury and damages to property. 

 

vuukle comment

AYON

BENEDICT DIPAN

BUS

CAMP CRAME

JOSE LIGAD HOSPITAL

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PAMPANGA

RENATO FAJARDO

VICTORY LINER BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with