Fishpond owner nilamon ng ilog
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Patuloy na hinahanap ng mga rescue workers ang isang fishpond owner makaraang tangayin ng malakas na agos ng Otip River sa kasagsagan ng bagyong Mario sa Brgy. Poblacion, Tubo, Abra kamakalawa. Kinilala ni Chief Insp. Victor Sinuto ng Cordillera Police Community Relations Office ang nawawala na si Perez Bugayao, residente ng nasabing lugar. Huling nakitang dumalaw ni Bugayao sa kanyang fishpond ng mismong araw na tumaas ang tubig sa ilog bunga ng walang humpay na pag-ulan sa nasabing lugar. (Raymund Catindig)
- Latest