^

Probinsiya

Binata nakuryente

Pilipino Star Ngayon

GENERAL LUNA,QUEZON, Philippines – Natusta ang buong katawan at namatay noon din ang isang 17 anyos na binata makaraang makuryente nang umiwas sa ulan kamakalawa ng tanghali sa Brgy. San Ignacio Ibaba ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jayson Daligdigan, residente ng nabanggit na barangay. Lumalabas sa im­bestigasyon ng General Luna Police  dakong alas-11:30 ng tanghali habang nasa kasagsagan ang malakas na buhos  ng ulan dahil sa bagyong Mario ay nagpasyang sumilong sa isang bahay ang biktima upang hindi tuluyang mabasa.

Napahawak umano ang biktima sa isang live wire at palibhasa ay basa ang kamay ay mabilis na dumaloy sa kanya ang malakas na boltahe ng kuryente. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BRGY

GENERAL LUNA POLICE

JAYSON DALIGDIGAN

KINILALA

LUMALABAS

MARIO

NAPAHAWAK

SAN IGNACIO IBABA

TONY SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with