^

Probinsiya

13 na patay sa Benguet road mishap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umakyat na ngayong Miyerkules sa 13 katao ang nasawi sa aksidente sa lalawigan ng Benguet matapos mahulog ang isang sasakyan sa bangin.

Ayon sa isang ulat sa radyo, isa sa apat na sugatang pasahero ang binawian ng buhay sa ospital.

Walong katao ang agad nasawi sa insidente, habang apat ang namatay habang isinusugod sa ospital.

Karamihan sa mga biktima ay mga estudyante ng Poblacion National Highschool na sakay ng Ford Fiera.

Base sa pangunang imbestigasyon, paahon ang sasakyan sa bahagi ng Bangbangayen, Buguias, Benguet bandang 4:30 ng hapon nang patigilin ng tatlong estudyante ang sasakyan.

Dahil nakabitin sa paahong bahagi ng kalsada ay namatay ang makina ng sasakyan bago nawalan ng kontrol ang driver.

Bumulusok paatras ang sasakyan saka tumilapon sa 100-metrong bangin.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

vuukle comment

AYON

BANGBANGAYEN

BENGUET

BUGUIAS

BUMULUSOK

DAHIL

FORD FIERA

KARAMIHAN

MIYERKULES

POBLACION NATIONAL HIGHSCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with