^

Probinsiya

Municipal administrator tinodas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

Cotabato City, Philippines – Patay ang isang municipal admi­nistrator sa bayan ng South Upi, Maguindanao makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin sa Cotabato City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Cotabato City Police Director P/Sr. Supt. Rolen Balquin, ang nasawing biktima na si Anastacio Rojas, 64-anyos­, residente ng Purok Balikatan, Mother Barangay Rosary Heights sa nasabing lungsod.

Bandang alas-5 ng hapon ng maganap ang insidente sa harapan ng Philippine Airlines ticketing office na nasa tagiliran ng Filidian Bazar sa nabanggit na siyudad.

Sa imbestigasyon, sinabi ng opisyal na kabababa lamang ng biktima sa sasakyan nang barilin ng suspek na nagtamo ng sugat sa kanang kilikili na naglagos sa kaniyang dibdib.

Narekober naman sa crime scene ang isang slug ng cal. 45 na pistola na siyang ginamit sa pagbaril sa biktima. 

 

vuukle comment

ANASTACIO ROJAS

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR P

FILIDIAN BAZAR

MOTHER BARANGAY ROSARY HEIGHTS

PHILIPPINE AIRLINES

PUROK BALIKATAN

ROLEN BALQUIN

SOUTH UPI

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with