^

Probinsiya

MILF commander, anak patay sa ambush

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang commander ng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) at anak nitong barangay chairman matapos na tambangan ng mga armadong kalalakihan na rumesbak sa umiinit na clan war ng kanilang mga pamilya sa Barangay Tugal, bayan ng Sultan Baruwis, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mag-ama na sina Batukamad Mohamad alyas Commander Batuh ng MILF 106th Base Command at Chairman Sadam Abu Mohamad ng Barangay Tugal.

Samantala, kinilala naman ang nasa likod ng pana­nambang ay  ang grupo ni Kagi Sajid, alyas Commander Saya, isa ring commander ng MILF National Guard ng 104th Base Command.

Sa ulat ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Rodelio Joson, natukoy ang mga suspek base sa pahayag ng mga testigo sa krimen.

Naganap ang pananambang noong Miyerkules ng tanghali habang pauwi na ang mag-ama.

Sa panig naman ni Col. Dickson Hermoso, spokesman  ng Army’s 6th Infantry Division  na  nagpadala na ng peacekeeping team ang militar upang mamagitan at mapigilan ang karahasan sa pagitan ng magkalabang angkan.

 

vuukle comment

BARANGAY TUGAL

BASE COMMAND

BATUKAMAD MOHAMAD

CHAIRMAN SADAM ABU MOHAMAD

COMMANDER BATUH

COMMANDER SAYA

DICKSON HERMOSO

INFANTRY DIVISION

KAGI SAJID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with