^

Probinsiya

Nursing stude dinedo sa bilyaran

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - - Hindi na maipagpapatuloy ang pagiging nursing student ng 25-anyos na mister matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa bilyaran kahapon ng tanghali sa Barangay Wakas, bayan ng Bocaue, Bulacan.

Napuruhan sa batok ng bala ng cal.45 pistol ang biktimang si Niño Nicolas Leongcion, may-asawa, student sa Dr. Yanga College, at nakatira sa Greenstate Subdivision, Barangay Tiaong sa bayan ng Guiguinto, Bulacan.

Nakatakas naman ang gunman na sinasabing naka-jacket, pulang bullcap matapos samantalahin ang nagpupulasang mga estudyante na nakarinig ng malakas na putok ng baril.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ferdinand Cabuhat, nananghalian ang biktima sa bilyaran na nasa likuran ng nasabing kolehiyo nang lapitan at barilin sa batok dakong alas-12 ng tanghali.

Kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang anggulong love angle ang isa sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY TIAONG

BARANGAY WAKAS

BOCAUE

BULACAN

DR. YANGA COLLEGE

FERDINAND CABUHAT

GREENSTATE SUBDIVISION

GUIGUINTO

NICOLAS LEONGCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with