^

Probinsiya

Lover ni misis inutas ng mister na ex-Navy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang panibugho ng isang mister na sinasabing nag-AWOL sa Philippine Navy makaraang pagbabarilin at mapatay ang kalaguyo ng kaniyang misis sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jhonrey Altamia, 32, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Raymond delos Reyes.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang biktima lulan ng Mazda B2200WT(PND 523) makaraang dumalo sa birthday ng anak na lalaki ng kaniyang girlfriend na misis ng suspek nang harangin at ratratin pagsapit sa kahabaan ng Talon-talon Road sa nasabing barangay

Nabatid na ang suspek at ang kaniyang misis ay nagkatampuhan kaya lumayas at iniwan ng babae na bitbit ang kanilang anak na lalaki ang kaniyang mister hanggang sa makipagrelasyon ito sa biktima.

Gayon pa man, nang mabatid ng suspek na may kalaguyo na ang kanyang misis ay nabuo ang matinding poot hanggang sa planuhin ang paghihiganti na humantong sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

BARANGAY KASANYANGAN

CAMP CRAME

GAYON

JHONREY ALTAMIA

MAZDA

NABATID

NAPURUHAN

PHILIPPINE NAVY

RAYMOND

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with