^

Probinsiya

2 dedo sa tarak

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, ALBAY , Philippines   -- Dalawang mister ang nasawi matapos na ang mga ito ay pagsasaksakin ng murahin ng mga ito ang ina ng isa sa mga suspek ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito sa T-Perez St., Brgy. Market Site, Daraga, Albay, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga biktima na sina Melvin Magalona, 37, at Zaldy Bernisca 38.

Samantala ang mga suspek naman na kaagad na nagsitakas ay kinilalang sina Gerald Toledo, alyas Boboy, 22, at Raymond Pacifico, 31.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas- 4:10 ng madaling araw ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga biktima at mga suspect.

Umawat naman ang ina ng isa sa mga suspect na sinasabing pinagmumura naman ng mga biktima.

Dito na nagbunot ng patalim ang mga suspect at pinagsasak­sak ang dalawang biktima saka nagsitakas. 

Sa kasalukuyan masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito.

vuukle comment

ALBAY

BATAY

GERALD TOLEDO

MARKET SITE

MELVIN MAGALONA

RAYMOND PACIFICO

T-PEREZ ST.

ZALDY BERNISCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with