^

Probinsiya

Clan war: 6 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim-katao ang nasugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa naganap na bakbakan ng grupo ng Moro Islamic Liberation Front at kalaban nitong angkan sa Barangay Balanaken, bayan ng Datu Piang, Maguindanao noong Miyerkules ng umaga.

Kabilang sa nasugatan ay sina Pabil Kamid, 54; Pasla Abdul, 72; Ben Faisal, 11; ang 40-anyos na ama ng bata na hindi natukoy ang pagkakakilanlan na tinamaan ng  79mm grenade launcher.

Samantalang sugatan din ang batang babaeng si Jul Dipatuan at isa pang sibilyan na hindi natukoy ang pangalan matapos tamaan din ng ligaw na bala.

Ayon kay Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division, dakong alas-9:30 ng umaga nang magsagupa ang magkalabang angkan ng grupo nina Uztadds Abdul Wahid Tundok ng 118th Bangsamoro Command ng Moro Islamic Liberation Front at  Akas Casim alyas  Commander Adzmie sa Sitio Kinudal.

Tumagal ng hanggang hapon ang bakbakan kung saan nagsilikas naman ang mga sibilyang naninirahan sa nasabing lugar habang nag-deploy na rin ng mga sundalo upang mapigilan ang pagsa­sagupa muli ng magkalabang grupo.

 

vuukle comment

AKAS CASIM

BANGSAMORO COMMAND

BARANGAY BALANAKEN

BEN FAISAL

COMMANDER ADZMIE

DATU PIANG

DICKSON HERMOSO

INFANTRY DIVISION

JUL DIPATUAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with