^

Probinsiya

Sanggol, kasambahay todas sa akyat-bahay

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines - - Napatay ang walong buwang gulang na sanggol at kasambahay samantalang sugatan naman ang ina nito matapos pasukin ng mga magnanakaw na tinaguriang Akyat-Bahay Gang sa Calamba City, Laguna kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni P/Supt. Marvin Joe C. Saro, hepe ng Calamba City PNP ang mga napaslang na sina Mark Daniel Zindia, 8-buwang gulang at Teresita Beth Torres na kapwa nakatira sa San Agustin Village sa Barangay Lawa sa nasabing lungsod.

Sugatan naman ang ina ng sanggol na si Cecilia Zindia matapos magtamo ng mga saksak sa katawan.

Ayon sa police report, pasado alas-12 ng mada­ling araw nang pasukin ng grupo ng kawatan ang bahay ng mga biktima kung saan pinagsasaksak si Cecilia.

Para makaligtas, nagkunwaring patay umano si Cecilia hanggang sa iwanan na siya ng grupo.

Makaraan ng isang oras, nagtatakbo na papalabas ng bahay si Cecilia para humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay.

Nang bumalik sila sa loob ng bahay, doon nila natagpuan ang bangkay ng kanyang anak at kasambahay na pawang may mga saksak sa katawan.

Isinugod naman sa Calamba Doctors Hospital si Cecilia habang kinilala naman nito ang isa sa mga suspek na 17-anyos pero itinanggi nito ang krimen.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY LAWA

CALAMBA CITY

CALAMBA DOCTORS HOSPITAL

CECILIA

CECILIA ZINDIA

MARK DANIEL ZINDIA

MARVIN JOE C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with