^

Probinsiya

Mister iniligtas ng agimat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang iniligtas ng kaniyang suot na agimat ang isang mister makaraan itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan kamakalawa  sa paggunita sa Semana Santa sa Brgy. Dinasan. Dalman, Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bandang alas 8 ng gabi nang puntiryahin ng pamamaril si Roland Villejo, 35 anyos habang naglalakad sa nasabing lugar pauwi sa kanilang tahanan.

Bigla na lamang umanong lumabas mula sa pinagtataguang damuhan ang mga suspek saka pinagbabaril ang biktima na tinarget sa katawan ng 10 beses o higit pa ng bala ng homemade shotgun.

Gayunman, sa pahayag ng nasabing mister, tila inilagan siya ng mga bala na tumalbog at hindi bumaon sa kaniyang katawan dahilan sa suot umano niyang agimat na matagal na niyang iniingatan na pamana pa ng kaniyang lolo at inoorasyunan tuwing Biyernes Santo.

Sa teorya naman ng mga awtoridad, duda ang mga ito sa sinasabing agimat ng nasabing mister at  bagaman maraming mga balang narekober sa crime scene ay hindi umano asintado ang mga suspek.

 

vuukle comment

BIGLA

BIYERNES SANTO

BRGY

DALMAN

DINASAN

GAYUNMAN

NORTE

POLICE REGIONAL OFFICE

ROLAND VILLEJO

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with