^

Probinsiya

Graduating stude nalunod sa beach

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines    -  Hindi na makaaakyat pa sa entablado ang isang 14-anyos na honor student sa kanilang graduation rites makaraang matagpuang wala nang buhay sa Bagasbas Beach sa Brgy. Bagsabas, Daet, lalawigang ito kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Alvin Tabor, Grade 6 pupil ng Tulay na Lupa Elementary School at residente ng Labo, Camarines Norte.

Halos hindi matanggap ng kanyang inang si Nelly ng ma­balitaang patay na sa Camarines Norte Provincial Hospital ang kanyang anak na lalaki. 

Nabatid na nakahanda na ang mga damit na susuutin ng biktima sa kanilang graduation na First Honor pa sa kanilang section.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay sumakay umano ng mag-isa sa tricycle patungong Bagasbas beach upang maligo na labis namang ipinagtataka ng mga magulang nito dahil sa hindi marunong lumangoy ito at may kapansanan pa siya sa paa.

Sa isang panayam sa kaibigan ng biktima, tila may problemang kinakaharap ang bata sa kanilang pamilya at diumano ay hindi na ito pinapansin sa kanilang bahay dahilan upang pumunta sa nasabing beach para kalimutan ang problema.

Makalipas umano ang ilang oras, isa ng malamig na bangkay nang makitang lumulutang ang biktima malapit sa dalampasigan.  Nakuha sa beach ang bag ng biktima at dalawang saklay nito.

Inaalam din ng mga awtoridad kung may anggulong suicide o foul play sa nasabing pangyayari.

 

vuukle comment

ALVIN TABOR

BAGASBAS

BAGASBAS BEACH

BAGSABAS

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

FIRST HONOR

LUPA ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with