^

Probinsiya

Mister pinapatay ni misis

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  â€“ Animo’y manok na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng ri­ding-in-tandem gunmen sa madilim na bahagi ng panulukan ng P. Montoya Street sa Barangay San Vicente, bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Ricardo Garcia ng Barangay Biluso  sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni P/Insp Valero Bueno, lumilitaw na mismong ang misis na si Vivian Garcia ang nagpapatay sa kanyang mister na may-ari ng tindahan sa nasabing bayan.

Narekober naman ang iniwang sulat ng biktima na nakasaad na misis nito ang utak sa oras na may mangyaring masama sa kanya.

Nabatid na ilang beses nang pinagbantaan ng misis ang kanyang mister na papatayin.

Naganap ang krimen bandang alas-7:20 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad pauwi mula sa kanyang tindahan.

Inilatag na ng pulisya ang malawakang manhunt operations laban sa mga suspek kabilang na ang utak sa krimen kung saan sinasabing may kaugnayan sa negosyo ng mag-asawa.

 

vuukle comment

BARANGAY BILUSO

BARANGAY SAN VICENTE

CAVITE

INILATAG

INSP VALERO BUENO

MONTOYA STREET

NABATID

RICARDO GARCIA

VIVIAN GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with