PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

May sakit sa atay, nag-suicide

QUEZON, Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 64-anyos na mister matapos na magbaril sa sarili dahil sa matinding sakit sa atay kamakalawa ng hapon sa Sitio Bignay, Barangay Antipolo sa bayan ng Sariaya, Quezon. Ang biktimang si Raymundo Parago ay natagpuan ng kanyang anak na si Edmundo sa sagingan na may 20 metro ang layo sa kanilang bahay. Ayon kay SPO1 Noriel Banaag, huling nakitang buhay ang biktima na may hawak na baril at nagsisisigaw na magpapakamatay na lamang siya dahil hindi na nito matiis ang sakit sa atay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: