^

Police Metro

2 Chinese, 4 bodyguards inaresto ng NBI

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim katao kabilang ang 2 Chinese national ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagtangay, pagposas at pagkulong sa isang mag-asawa na kanilang kababayan sa isang condominium sa Pasay City.

Ang 2 Chinese national ay kinilalang sina Su Jianshui, alias Ah Sin at Chenwin Bin. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat nilang bodyguard.

Batay sa ulat, noong Enero 18 ay nakatanggap ng reklamo ang NBI Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) na isang mag-asawang Chinese national ang ipinosas sa loob ng Scape Building sa Diosdado Macapagal Ave., Pasay City.

Nagsagawa ng rescue operation ang mga NBI at nasagip ang mag-asawang Ai Xiao Geng at Xiao Qzao Ling at naaresto ang apat na lalaki na nagsisilbing mga bodyguards ng 2 naarestong Chinese.

Ayon sa mga nasagip na mga biktima, inakusahan sila ni Jianshui na nakawala sila ng halagang RMB 700,000 o may katumbas na P5.5 milyon, gayunman itinanggi ito ng mga biktima.

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ang mga suspek sa loob ng Shell Residences sa Pasay City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with