^

Police Metro

SUV vs van: Ginang patay, 10 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 63-anyos na ginang habang 10 ang nasugatan matapos bumangga ang sports utility vehicle na minamaneho ng kaniyang mister sa isang van, kamakalawa ng gabi sa highway sa Dagupan, Pa­ngasinan.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng malulubhang sugat na na­tamo ng biktimang si Marciana Gonzales, empleyado ng gobyerno. 

Nilalapatan sa pagamutan ang mga sugatang sina  Jimmy Bravo, 57, driver ng Besta KIA van (ULG 586)  at Honda Jazz (VEM 577) na minamaneho ni Genaro Gonzales Jr., 62 , asawa ng nasawing biktima na umano ay nakainom ng alak nang mangyari ang sakuna.

 Ang iba pang nasugatan ay mga lulan ng dalawang behikulo na sina Mylany Bravo, 24; Rhiana Cayabyab, 4; Jayson Bravo, 30 ; Shiela May Bravo, 8; John Bravo, 7 Jake Bravo, 5 at Kyle Angelo Buscaz, 7.

Batay sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi nang mangyari ang banggaan ng dalawang behikulo sa kahabaan ng highway ng Bolosan District sa Dagupan City sa tapat ng Jurolens Construction Supply sa lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake sa isang bisikleta ang van na sa bilis ng takbo ay nakabanggaan ang nasabing Honda Jazz na ikinasawi ng ginang.

Karamihan sa mga nasugatang pasahero ay mga kamag-anak ng driver ng van na nasa ligtas ng kalagayan.

Nabatid pa na hindi naka-seat belt ang ginang at hindi rin gumana ang airbag sa loob ng kanilang behikulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with