ARMM officials isailalim sa lifestyle check
MANILA, Philippines — Hiniling ng mga nagsusulong sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na magsagawa ang gobyerno ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa pagdinig kahapon ng sub-committee on BBL na pinamumunuan ni Senator Juan Miguel Zubiri ay sinabi ni Deputy Presidential Adviser on Peace Process Undersecretary Nabil Tan na mahalaga ang pagkakaroon ng lifestyles check dahil marami sa mga opisyal ng gobyerno ay nakakapamuhay ng marangya.
Sinabi naman ni dating Sulu Governor Abdusakur Tan II na ilang opisyal ng ARMM ay may mansion sa mga mamahaling subdivision sa Metro Manila katulad ng Corinthian Gardens sa Quezon City.
Dapat aniyang maisama sa lifestyles check ang mga opisyal ng ARMM upang matanong ang mga ito kung papaano sila nakakatira sa mga mamahaling villages at itanong sa mga ito kung nagbabayad sila ng tamang buwis.
- Latest