SAF opisyal natagpuang patay sa SLEX
MANILA, Philippines — Natagpuang patay at may tama sa ulo ang isang police official na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Northbound lane ng South Luzon Expressway, Muntinlupa City kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilalang si P/Chief Inspector Normandy Sanidad, 45, nakatalaga sa SAF Health Office, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, nakatira sa Las Piñas Subdivision, BPA, Imus City, Cavite.
Sa inisyal na report na natanggap ng Southern Police District, dakong alas-8:31 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima mismo sa loob ng minamaneho nitong kulay berdeng Toyota Corolla (UAM-325) na bumangga sa pader sa Km 25-750, Northbound, SLEX, Muntinlupa City.
Nabatid na isang concerned citizen ang nag-report sa SLEX Traffic Safety Management and Security Department Skyway Office na rumesponde sa lugar na agad tumawag sa pulisya. Patuloy pang iinimbestigahan ang kaso.
- Latest