Faeldon pinalaya sandali
MANILA, Philippines — Pinayagan sa ikalawang pagkakataon, na makalabas sa kanyang kulungan sa Senado si dating Bureau of Customs chief Nicanor Faeldon.
Ito ay nagtungo kahapon sa Camp Aguinaldo at personal na nanumpa sa harap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang deputy administrator III sa Office of Civil Defense (OCD).
Nabatid na humiling si Faeldon na makalabas ng Senado mula alas-7:00 hanggang alas-9:30 ng umaga at agad din namang ibabalik ito sa Senado matapos ang panunumpa.
Ang pansamantalang paglaya ni Faeldon kahapon ay base na rin sa kautusan ni Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nagpataw ng contempt sa dating opisyal ng BOC.
Matatandaan na ikinulong sa Senado si Faeldon dahil sa pagmamatigas nitong huwag humarap sa komite ni Gordon na nag-imbestiga sa P6.4 bilyong halaga na shabu shipment na nakapasok sa bansa mula sa China.
- Latest