^

Police Metro

6 kotong cops inaresto

Joy Cantos - Pang-masa

Timbog sa checkpoint...

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ele­mento ng PNP-Counter Intelligence Task Force sa isang entrapment ­operation ang  anim na pulis at dalawang sibilyan na umano ay nangongotong sa mga biyahero ng gulay sa isang checkpoint sa highway ng Caranglan, Nueva Ecija kahapon ng madaling araw.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina SPO1 Antonio Otic; PO3s Danilo Sotelo; Ronald Buncad; at Oliver Antonio; PO2s Rodrigo Edralin at Romeo Nuñez III; pawang mga kasapi ng Caranglan Municipal Police Station (MPS), dalawang sibilyan na ginagamit na kolektor na sina Ramon Cabila­ngan at Darwin Lagisma.

Ipinag-utos na ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang pagdidis-arma at pagsibak sa puwesto sa mga nasabing pulis.

Sa ulat ni PNP-CITF Spokesman Chief Inspector Jewel Nicanor, bandang ala-1:20 ng madaling araw nang masakote ng kanilang mga tauhan sa checkpoint sa highway ng Brgy. Digdig, Caranglan ng lalawigan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon at mga reklamo ang mga PNP-CITF sa mga biktimang biyahero ng gulay, alagang mga hayop at iba pang mga produkto na kinokotongan ng mga suspek kapag dumaraan sa highway ng nasabing lugar.

Kaya agad na ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakasakote sa mga suspek.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang pera na bahagi ng kanilang mga nakotong  habang dinisarmahan na rin ang mga ito ng kanilang mga service firearms  na itinurnover na sa kanilang hepe.

 Nakuha rin ang isang Ranger cal 45 at isang Armscor 9 MM  na may isang magazine na puno ng mga bala  habang nakuha naman kay Otio at Antonio  ang kahalintulad na mga armas na inisyu ng lokal na pamahalaan ng Caranglan.

Nagtataka ang pamunuan ng PNP na sa kabila nang pagtataas ni Pangulong Rodrigo Duterte  ng doble sa sahod ng mga pulis ay hindi pa rin umano nagtitino ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with