^

Police Metro

Ambush: Assistant ng governor patay, mister sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay ang isang babaeng assistant ni Nueva Ecija Governor Czarina Umali habang nasugatan naman ang mister nito sa naganap na ambush sa isang gasoline station sa Brgy. Marcos, Talavera kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Mary Anne Hernandez, 38.Habang nasugatan ang mister nitong si Carlito,45.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay sakay ang mag-asawa sa kanilang SUV (DOL-826) na minamaneho ni Carlito na pansamantalang huminto sa gasoline station para magpakarga ng gasolina.

Biglang sumulpot ang mga salarin at pagbabarilin ang mag-asawa na kung saan ay napuruhan ang ginang at nang masigurong tinamaan ang target ay tumakas ang mga ito lulan ng motorsiklo.

Masuwerteng nakaligtas ang kanilang dalawang anak at kasambahay na nakaupo sa hulihan ng sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with