Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

P10-12 pasahe sa jeep

Hirit ng transport groups...

MANILA, Philippines — Dagdag na P4 o P2 sa kasaluku­yang P8 minimum fare sa jeep ang hirit ng mga transport group sa gobyerno.

Inihayag ni Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda na P4 ang kanilang hirit na dagdag kaya’t magiging P12 na ang minimum fare sa jeep.

Anya, kailangang madagdagan ng P4 ang pasahe sa jeep dahil sa epekto sa kanila ng mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo dulot ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) law.

Ang iba namang transport group ay humihiling ng P2 dagdag pasahe o nais ga­wing P10 ang minimum fare mula sa P8 pasahe na kanilang ihihirit sa dara­ting na buwan ng Pebrero dahil marami pang ibang mga pagkakagastusan ang mamamayan na dapat unahin tulad ng mga bayarin sa tubig at kur­yente na tataas din ngayong 2018 at halaga ng mga bilihin.

Sa ilalim ng Train law, may inisyal na P2.50 per liter ng excise tax ang idadagdag sa presyo ng diesel ngayong taon hanggang sa abutin ng dagdag na  P6 sa taong 2020 sa kabila ng sinasabi ng Department of Trade and Industry na ang Train ay hindi makakaapekto sa kasalukuyang stocks ng mga produktong petrolyo kaya’t wala umanong dahilan na tumaas agad ang presyo ng petroleum products.

Sinabi naman ni Atty.Aileen Lizada, spokesperson ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na bubusisiin muna nilang mabuti ang anumang fare hike petitions na isasampa sa ahensiya upang maisa-alang alang ang kapa­kanan ng riding public na umaabot sa 3.2 milyong mananakay sa bansa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: