^

Police Metro

3,000 katao na-stranded ni ‘Urduja’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 3,000 katao ang napeperwisyo ng bagyong Urduja nang ma-stranded sila sa mga pantalan sa  Eastern Visayas at Bicol Region.

Sa pinakahuling ulat mula kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo sa Port of Looc, 54 na pasahero, 1 sasakyang pandagat at 24 na rolling cargoes ang naistranded habang sa Port of San Isidro ay 52 passengers at 9 na rolling cargoes ang na-stranded, sa  Port of Jubusan naman ay 188 passengers at 13 rolling cargoes ang na-stranded dulot pa rin ng sama ng panahon.

Sa Bicol Region naman sa Port of Virac ay may 326 na pasahero ang na-stranded, 1 vessel at 46 na rolling cargoes habang sa Port of Masbate 10 pasahero, dalawang dosenang rolling cargoes, isang sasakyang pandagat at dalawang motor bancas ang hindi pinabiyahe dahil sa bagyong Urduja.

Ang pinakamaraming na-stranded sa Port of Matnog na may 2,149 na pasahero 253 rolling cargoes at mahigit isang dosenang bangkang de motor.

Sa kabuuang bilang ay papalo sa 3,057 ang mga pasaherong stranded mula sa nabanggit na rehiyon gayundin ang 10-vessels, 331 rolling cargoes at 84 bangkang de motor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with