^

Police Metro

Kano ninakawan ng 2 bading na masahista

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga security guard ang dalawang bading na kapwa nakasuot ng bestida matapos nilang pagnakawan ang isang American national na kanilang minasahe  sa isang hotel sa Malate, Maynila, kamakalawa.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Ryan Agosto, 21; at Ramil Acol, 31, kapwa residente ng Tenorio St., San Andres Bukid, Maynila.

Batay sa reklamo ng biktimang si William Temple Leroy, 67, nanunuluyan sa Times Travellers Hotel sa Mabini St., Malate bago nangyari ang pagnanakaw dakong alas-3:30 ng madaling araw sa nasabing hotel ay nakipagkilala ang dalawang suspek sa biktima bilang massage therapist nang makita nila ito sa isang convenience store hanggang sa alukin ng serbisyo.

Nakumbinsi ang biktima at isinama ang dalawa sa kaniyang unit sa hotel at doon minasahe hanggang sa makatulog.

Nang maalimpungatan ang biktima ay wala na ang mga suspek at nawawala na rin ang cash na P28,000. at iba pang gamit.

Naitawag agad ng biktima sa security personnel ng hotel ang ginawa ng dalawang bading na agad namang nasakote nang abutan pa sa hotel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with