^

Police Metro

Tserman binaril ang sarili

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto ang isang barangay chairman sa Malabon City matapos umanong magbaril sa sarili kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Alex Roque Jr., 49, ng #27 Bernales St., Brgy. Baritan ng naturang lungsod at kapitan ng naturang barangay.Sa inisyal na ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Roque ng isa niyang tanod sa loob ng kanyang silid habang nasa kamay pa ang isang kalibre .45 na baril.
Bukod sa baril, isang suicide note rin umano ang natagpuan ngunit hindi muna inihayag ng pulisya ang nilalaman habang bineberepika pa kung sulat-kamay ni Roque.

Wala naman umanong senyales ng posibleng pagpapatiwakal si Roque kamakalawa ng gabi dahil masaya pa umano ito dahil natapos na niya ang preparasyon para sa Christmas party ng kanilang barangay.

Nagkulong ito sa loob ng kuwarto habang mag-isang umiinom ng alak at nilakasan ang volume ng kanyang telebisyon.

Isa naman sa tinitignan ng pulisya ang posibleng problema sa pera dahil sa nangungutang umano siya ng malaki sa unang asawa.

May post rin siya sa kanyang social media account na nakasaad na: “Sa hirap at sarap, diyan mo makikilala ang tunay mong kaibigan.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with