^

Police Metro

Mayorya ng mga taga-Mindanao pabor sa martial law extension

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Communication Office Secretary Martin Andanar na walang dudang pumapabor ang mayorya ng mga taga-Mindanao sa pagpapalawig ng batas militar sa rehiyon at hinihintay ng Malacanang ang go signal mula sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Andanar na isang Mindanaoan, marami na siyang nakausap sa Cagayan De Oro, Iligan, Cotabato pati na sa Marawi maging sa Zamboanga tungkol sa isyu at marami aniya sa mga ito ay walang pag-aalinlangang gusto ang martial law sa Mindanao.

Iisa aniya ang kanyang narinig na dahilan mula sa kanyang mga nakausap at ito ay ang pagnanais ng “katiwasayan” sa rehiyon.

Muling binigyang diin ni Andanar na ang nais talaga ng Pangulong Rodrigo Duterte ay ang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga taga Mindanao at maibabalik sa normal ang pamumuhay ng mga taga-roon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with