^

Police Metro

Mag-ina sa Cavite, tinodas

Cristina Timbang - Pang-masa
Mag-ina sa Cavite, tinodas

Batay sa ulat, na ilang araw nang hindi nakikita ang hipag ng ginang na si Karen Bongalos dahilan hindi lumalabas ang mag-ina sa kanilang bahay. STAR/File

Pinasok ng magnanakaw...

MANILA, Philippines — Kapwa natagpuang patay ang isang ina at anak nitong 5-taong-gulang na batang babae sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Navarro, General Trias City, Cavite.

Ang mag-inang biktima ay kinilalang sina Ruby Gamos, 34 at anak nito na si Shaniah Nicole, residente ng Block 7, Lot 14, KS1, Lancaster New City, Brgy. Navarro ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, na ilang araw nang hindi nakikita ang hipag ng ginang na si Karen Bongalos dahilan hindi lumalabas ang mag-ina sa kanilang bahay.

Kaya sapilitan nilang ipinabukas ang bahay ng mga ito at dito nadiskubre ang bangkay ng mag-ina sa kanilang kama.

Lumalabas sa autopsy report na ang ginang ay namatay sa pukpok sa ulo habang ang bata ay tinakpan ng unan sa mukha. Nawawala umano ang kotse at mga mamaha­ling kagamitan tulad ng tablet, TV, cellphone at mga alahas ng mag-ina na ang padre de pamilya na si Marlon Gamos ay isang seaman at nakatakdang umuwi mula sa UAE. 

Nabatid na nitong Huwebes pa huling nakausap ni Marlon ang kanyang mag-ina nang padalhan ang mga ito ng selfie photos.

Nagduda ang mga kaanak sa kalagayan ng mag-ina nang hindi makadalo sa school event si Shaniah Nicole noong Biyernes.

Hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo ng pagpatay sa mag-ina dahil sa nawawala ang kanilang mga  mamaha­ling gamit.

Kahapon ay natagpuan sa tapat ng simen­teryo sa Imus ang pulangToyota Wigo ng mga biktima, na may conduction sticker na VD 9843.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with