500 motorista lumabag sa yellow lane
MANILA, Philippines — Sa unang araw nang muling pagpapatupad ng yellow lane sa Edsa ay hinuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasa mahigit 500 motorista na lumabag.
Sa ulat ni MMDA assistant general manager for planning Jojo Garcia na dakong alas-12:00 ng tanghali pa lang ay nasa 70 pribadong behikulo, 37 pampasaherong bus ang nahuli ng mga naka-deploy na traffic enforcers dahil sa paglabag sa yellow lane scheme.
Sa non-contact apprehension naman ay nasa 364 na pribadong behikulo ang nahuli ng lumabag din sa naturang traffic scheme at sa mga bus naman ay nasa 114.
May multang P200 ang lumabag na bus habang P500 sa mga pribadong behikulo.
- Latest