^

Police Metro

Nambastos sa Lupang Hinirang, inaresto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ang 20-an­yos na si Bavle Einstein Gonzales  dahil sa hindi nito pagtayo bilang pagbibigay galang habang pinatutugtog ang pambansang awit na Lupang Hinirang sa isang sinehan sa Angeles City, Pampanga.

Ang suspek ay inireport at ipinaaresto sa mga otoridad ni Charge d’ Affaires Elmer Cato  na nagkataong nasa loob din ng sinehan kung saan si Gonzales ay nakaupo sa unahan nito.

 Nabatid na bago pa man magsimula ang palabas na pelikula ay pinatatayo ni Cato si Gonzales upang magbigay galang sa pambansang awit.

Gayunman, hindi nakinig si Gonzales na tuloy sa pagkain ng popcorn gayong lahat ay nagbigay galang sa pambansang awit kabilang ang ilang mga dayuhan na nasa loob ng sinehan.

Upang turuan ng leksyon matapos ang palabas sa sinehan ay agad na humingi ng tulong si Cato sa mga pulis at ipinaaresto ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Flag and Heraldic Code of the Philippines na may kaparusahan na pagkakulong ng isang taon at may multa na aabot sa P5,000 hanggang P20,000.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with