^

Police Metro

Operasyon ng MRT tuloy

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na magpapatuloy ang biyahe ng  MRT-3 sa kabila ng mga pag-aalinlangan kung ito ay ligtas pang sakyan sa kabila ng kahilingan at pagkuwestiyon ni Sen. Grace Poe sa kaligtasan ng mananakay ng MRT-3 na  kung kinakailangan isara muna ito para ayusin.

Ayon kay Transportation Assistant Sec. Elvira Medina na kanilang pinag-aaralan ang mga problema ng MRT at ipapasa ang rekomendasyon kay  DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa loob ng 1 hanggang 2 linggo at patuloy ang operasyon ng MRT habang kinukumpleto nila ang pag-aaral.

Matatandaang halos araw-araw na nagkakaroon ng aberya ang mga tren ng MRT-3, kung saan ang pinakahuli ay ang pagkalas ng hulihang bagon ng isang bumibiyaheng tren sa may Ayala Station, ngunit masuwerte namang walang nasaktan kaya’t napilitan ang mahigit sandaan na pasahero na bumaba at maglakad sa gitna ng riles.

Hihigpitan din ng DOTr ang  implementing policies sa  yellow lanes simula bukas dahil sa inaasahang paglala ng trapiko habang palapit nang palapit ang  Kapaskuhan.  

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with