^

Police Metro

Bomb threat: Unibersidad nabulabog

Boy S. Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagdulot ng kaguluhan, takot at pangamba sa mga mag-aaral, guro, at kawani sa isang pampublikong pamantasan sa Brgy. Guinhawa, Malolos City kamakalawa ng hapon dahil sa natanggap na bomb threat ng pulisya.

Kaagad na pinalabas ng rumespondeng mga kagawad ng pulisya ang mga estudyante ng Bulacan State University upang masiguro ang kanilang kaligtasan sakaling totoo ang banta na may sasabog na bomba sa naturang paaralan.

Base sa ulat ng pulisya dakong ala-1:20 ng hapon ay isang text message mula sa hindi nagpakilalang sender ang natanggap nito hinggil sa nakatakdang pagsabog ng bomba na nasa loob ng isang kuwarto dito saka kaagad na ipinaalam sa pamunuan ng paaralan na naging dahilan upang pansamantalang itigil ang nagaganap na klase na pinalabas sa bisinidad ang mga estudyante ng naturang paaralan.

Kaagad ding sinuyod ng pulisya kasama ang mga K-9 sniffing dogs ng PNP Provincial Public Safety Company sa pamumuno ni P/Supt. Frankie Candelario ang loob ng paaralan kabilang ang posibleng ppinaglagyan ng bomba at matapos ang ilang oras na paghahanap ay walang nakitang bomba sa lugar na naging dahilan upang muling pabalikin ang mga estudyante ng naturang unibersidad.

Nagbabala naman ang pulisya at pamunuan ng paaralan na posibleng maharap sa kasong kriminal ang taong nagpapakalat ng ma­ling impormasyon habang patuloy ang imbes­tigasyon upang makilala ang suspek. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with