Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

P6-bilyong halaga ng droga, sinunog

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P6 bilyong halaga ng droga ang sinunog ng mga opis­yal at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Incorporated (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite nitong Biyernes.

Sa pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino, kabilang dito ay nasa 952.69 kilo ng sari-saring  nasabat na shabu, cocaine, ketamine, marijuana,  benzphetamine HCl, N-benzylpiperazine, zolpidem, ephedrine, propanolol, sodium carbonate, valium, nitrazepam, nalbuphine, clonazepam, alprazolam, midazolam, methylphenidate, MDMA, codeine, pseudoephedrine, at maging ang mga expired ng mga gamot at likido ng shabu.

Samantala, batay sa ulat ng PDEA Laboratory Service, kabilang sa mga sinunog ay nasa 873,033.14 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P4-bil­yon, liquid shabu na higit sa P1-bilyon, 82.73 gramo ng cocaine na may presyong P 314, 374.00 at iba pa na ang kabuuang halaga ay nasa P6,001,826,947.80.

“The destruction of the dangerous drugs is in compliance with the guidelines set on the custody and disposition of seized dangerous drugs required in Section 21, Article II of Republic Act 9165,” ang sabi pa ng opisyal.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: