^

Police Metro

PDP Laban lumagda ng kasunduan sa United Russia

Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumagda si Senate President at PDP Laban President Aquilino “Koko” Pimentel III ng Memorandum of Understanding sa pinakama­laking partido politikal sa Russia na United Russia sa St. Petersburg nitong Martes.

Ang United Russia ay namamayaning partido sa Russian Federation na kabilang si Russian President Vladimir Putin sa mga lider nito.

“Isang makasaysa­yang pangyayari ito dahil lalong naging malapit hindi lamang ang mga gobyerno ng Russia at Pilipinas kundi maging ang mga namamaya­ning partido sa dalawang bansa,” ani Pimentel.

Dumalo si Pimentel sa 137th International Parliamentary Union Assembly sa St. Petersburg at nakipag-usap din sa mga lider ng United Russia.

Ang kasunduang nilagdaan ni Pimentel sa Russia para sa PDP Laban ay ikalawang pinakamahalagang nilagdaan niya matapos ang Memorandum of Agreement ng PDP Laban at Communist Party of China nitong nakaraang Pebrero.

“Kakaiba ang PDP Laban sa lahat ng partidong politikal sa Pilipinas hindi lamang sa pagiging aktibo nito sa mga kanayunan gayundin ang disiplinang pang-ideyolohiya kundi ma­ging sa mga pagsisikap na palakasin ang relas­yong diplomatiko sa pakiki­pag-ugnayan sa namamayaning partido politikal sa ibang bansa,” diin ni Pimentel.

Pinalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte, Chairman ng PDP Laban, ang relasyon sa Russia at China bilang bahagi ng independiyanteng patakarang panlabas ng kanyang administrasyon.

“Nais nating ibahagi ang ating karanasan sa mga partido ng ibang bansa at gusto rin nating matuto sa kanilang karanasan. Ang Pagbabagong isinusulong natin ay hindi para sa pagbabago lamang kundi isinasaalang-alang natin na malutas ang daantaon na nating mga problema at masustenahan natin ito,” pagwawakas  ni Pimentel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with