^

Police Metro

Mga babaeng sundalo sabik nang mag-HK

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sabik na umanong makapagbakasyon sa Hong Kong ang mga babaeng sundalo na sumabak sa Marawi siege kasama ang kanilang pamilya tulad ng naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila.

Ito ang inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour briefing sa Malacañang na kung saan ang unang aalis na tropa sa Marawi ay ang mga miyembro ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na una ding dumating at nakipagbakbakan sa mga teroristang Maute-ISIS group.

Magugunita na pinangakuan ng HK trip ni Pa­ngulong Duterte ang mga sundalong kababaihan sa sandaling matapos ang Marawi siege.

Ayon naman kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, ang airfare ay sasagutin ng Cebu Pacific habang ang pocket money at accommodations naman ng pangakong HK trip ng mga kababaihang sundalo ay magmumula kay Pangulong Duterte.

Iba naman ang pangako ni Pangulong Duterte sa mga lalaking sundalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with