^

Police Metro

HK trip sa mga sundalong babae tuloy

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na Hong Kong trip para sa mga sundalong babae na nakipagbakbakan sa Maute-ISIS group sa Marawi City.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar at sagot ng Cebu Pacific ang eroplanong sasakyan ng mga babaeng sundalo patungong Hong Kong sa kanilang pagbabakasyon habang sagot naman ni Pangulong Duterte ang pocket money at hotel accommodations ng mga ito.

“So iyong eroplano, sagot ng Cebu Pacific. Iyong hotel at saka allowance, sagot ni Presidente. Tapos iyong mga lalake, iba iyong pangako sa kanila,” paliwanag pa ni Andanar.

Kasama si Andanar ni Pangulong Duterte nang magtu­ngo kamakalawa sa Marawi City kung saan ay idineklara ng chief executive na ‘liberated from terrorists’ ang lungsod matapos mapatay ng mga sundalo sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with