^

Police Metro

Frat men tangkang i-‘cover up’ ang Atio slay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Naniniwala ang pulisya na tangkang iligtas ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity ang kanilang mga sarili sa kanilang partisipasyon sa pagkamatay sa hazing ni Horacio “Atio” Castillo III kung ibabatay ang palitan ng kanilang text messages sa Facebook.

Ito ang sinabi kahapon ni Manila Police District (MPD) director Sr. Supt. Joel Coronel sa pagharap nito sa Senate hearing ng pagkamatay ni Castillo at ipinakita sa screenshots ang mga mensahe nila sa kanilang mga Facebook group chat mula September 17 hanggang September 18.

Kabilang sa mga su­mali sa chat group ay sina Atty. Marvi Abo, Brian Bangui, Atty. Cecilio Jimeno, Atty. Alston Kevin Anarna, Atty. Ferdinand Rogelio, Atty. Edzal Bert Canlas, Atty. Cesar Ocampo Ona, Arvin Balag, Jose Miguel Salamat, Atty. Gaile Dante Acuzar Cabaan, Atty. Henry Parlo Jr., Atty. Michael Vito, Atty. Cesar Gaba Dela Fuente, Atty. Nino Servanez, Ronald Cheng, Atty. Angelo Ventura III, Milfen Alvarado, at Atty. Jet Dela Pena Villaroman.

Ayon pa kay Coronel, nag-meeting ang nasa 19 na miyembro ng nasabing  fraternity sa mismong araw na dinala ni John Paul Solano sa Chinese General Hospital si Castillo kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Sinabi ni Coronel na base sa chat ng grupo, maliwanag na nagtangka ang mga miyembro na i-cover up ang kaso kung saan may nagbigay pa ng suhestiyon na ipalinis ang tinatawag na frat lib­rary kung saan napatay si Castillo at matanggal ang ginamit na paddle.

Ayon pa kay Coronel, 19 na miyembro ng fraternity ang nag-meeting sa Novotel Manila Araneta Center sa Quezon City kung saan 12 na ang kanilang nakilala.

Taliwas umano sa usapan sa chat group ang opis­yal na pahayag ng Aegis Juris na nais rin nilang magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ni Castillo.

Sa panayam matapos ang pagdinig, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na “unbecoming” para sa mga abogado ang mga nadiskubreng chat messages dahil lumalabas na sila pa ang nanguna sa cover-up.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with