^

Police Metro

Bodyguard inutas ng kabaro

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bodyguard ang nasawi nang ito ay barilin ng kanyang kabaro matapos na magtalo sa kanilang trabaho naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Fortune, Marikina City.

Ang nasawi ay kinilalang si Randy Santos, nasa hustong gulang, at residente ng Tambakan Pagray, Antipolo City habang tumakas ang suspek na si Jay Jalapadan, nasa hustong gulang, ng PSS Lacolina Santan St.,Barangay Fortune ng lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Marikina City Police, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:10 ng gabi sa Ecoville St. sa naturang barangay ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek hinggil sa kanilang trabaho bilang VIP security escort na nauwi sa pamamaril.

Nabatid na madalas umanong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa kanilang trabaho na nauwi sa pamamaril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with