^

Police Metro

Nanay patay sa pagmartilyo ng anak na babae

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakabalot na sa kumot ang bangkay ng isang ginang nang ito ay datnan ng mga otoridad sa kanilang bahay matapos patayin ng anak nitong babae sa pamamagitan nang pagpalo ng martilyo sa ulo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Ma.Margarita Belleza, nasa hustong gulang, ng  Blk. 27, Lot 14, Aberbin St. Chester Place Subdivision ng nasabing barangay.

Sumuko naman ang anak ng biktima na si Maybelle Belleza, 39, kasamang nakatira ng biktima sa nasabing bahay.

Sa ulat, dakong alas-7:45  ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya na may naganap na pagpatay sa nasabing lugar matapos sabihin ng  suspek sa kanyang mag-inang kapitbahay na sina Cristy Brucal at  John Paul Saizon na napatay nito ang kanyang ina.

Kaya’t tumawag ang mag-ina sa  barangay  na rumes­ponde sa lugar at nadatnan ang bangkay ng biktima na nakabalot sa kumot.

Narekober sa tabi ng  bangkay ang martilyong ginamit ng suspek na nagsabi sa pulisya na  sila ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ng kanyang ina na nauwi sa pagpatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with