^

Police Metro

Construction worker nahulog sa gusali

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang obrero matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng ginagawa nilang gusali sa loob ng isang kilalang unibersidad sa Barangay Loyola Heights, Quezon City kamakalawa.

Ang nasawi dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Danilo Maala, 37, ng Italian Village, Barangay Mabato, San Fernando, Pampanga.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng Ateneo de Manila University Campus sa Barangay Loyola Heights ay nasa ikalawang palapag ng ginagawang International Residence Hall sa Cervini Fields ang biktima.

Inaalis nito ang chain block ng beam nang mawalan ito ng balanse at aksidenteng nahulog sa unang palapag.

Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with