^

Police Metro

Imbestigasyon sa kaso ni Horacio pinakikialaman ng ilang personalidad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinulgar ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ilang mga maimpluwensiyang tao ang umano’y nakikialam sa imbestigasyon sa kaso ng hazing victim na si Horacio Castillo III upang hadlangan umano ang pagsasampa ng kaso sa mga miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Ito ang ang natanggap na impormasyon ni VACC chairman Dante Jimenez, na ginagamit ng mga maimpluwensyang personalidad ang kanilang koneksyon sa gobyerno upang mapatagal o tuluyang mapigilan na makasuhan ang mga fratmen na suspek sa pagkamatay ni Castillo.

May posibilidad din aniya na bukod sa kanilang mga pamilya, ang mga maiimpluwensyang personalidad na ito ang nagsisilbing protektor ng mga nagtatagong miyembro ng Aegis Juris fraternity.

Kaya’t pinayuhan niya ang mga magulang ni Castillo na mag-ingat lalo na sa mga taong mararing gamiting emisaryo ng kabilang kampo at makipag-areglo.

Inamin din ni Jimenez na dahil sa mga ganitong istratehiya, 80 porsyento ng hinawakan nilang kaso ng mga namatay sa hazing ay nadismis sa korte.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with