^

Police Metro

3 minero dedo sa gas poisoning

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong minero ang iniulat na nasawi makaraang makalanghap ng nakalalasong gas sa loob ng isang tunnel ng minahan sa bayan ng Placer, Surigao del Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Angelo Alontaga, 35; Ryan Elacion, 35  at Freddie Basilio, 21.

Samantalang masuwerte namang nakaligtas si Jonathan Cutamora, 29  matapos na mabilis na makalabas ng tunnel at  isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas. Sa ulat ng CARAGA Police, ang mga biktima ay pumasok sa loob ng tunnel ng isang minahan sa Brgy. Ellaperal bandang alas-2 ng hapon noong Setyembre 19 ng taong ito.

Ang insidente ay inireport ni Cutamora sa mga awtoridad matapos itong makalabas ng pagamutan dalawang araw matapos ang insidente. Nagresponde naman ang lokal na search and rescue team at narekober ang bangkay ng tatlong nasawing minero .

Sa pahayag sa mga awtoridad sinabi naman ni Engineer Carlos Cogolio ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Mine Management ng Region 13 , posibleng isang lumang tunnel na may mga naka-stock na nakalalasong gas ang napasok ng naturang mga minero.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with