^

Police Metro

Libong pro at anti-Duterte naglabas ng kanilang mga puwersa

Pang-masa
Libong pro at anti-Duterte  naglabas ng kanilang mga puwersa

Nagtipon ang nasa libong supporter ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa may Plaza Miranda, Quiapo sa kanan habang sa kaliwa ay mga anti-Duterte na nagmartsa sa Chino Roces na pagkatapos ng programa ay nagtungo naman sa Luneta.- KJ Rosales, Edd Gumban-

MANILA, Philippines — Naglabas ng kanilang mga puwersa ang libu-libong pro-Duterte at anti-Duterte sa kani-kanilang mga program na isinagawa sa Plaza Miranda,Quiapo at Quirino Grandstand sa Luneta kahapon kaugnay ng national day of protest kasabay ng pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law.

Sa Mendiola, nasa harapan ng Mendiola Peace Arch pumuwesto hanggang sa CM Recto ang mga pro-Duterte na karamihan ay nakasuot ng orange na t-shirt at sombrero na may tatak pang pangalan ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa panig naman ng multi-sectoral protesters, may mga bitbit na pla­cards na kumokondena sa mga pag-abuso ng pamahalaan sa karapatang pantao tulad ng extra judicial killings kaugnay sa war on drugs at mala-diktaduryang pamamalakad maging ang paglalagay sa martial law sa Mindanao.

Nagsagawa pa ng re-enactment ang hinggil sa senaryo kung saan ang isang lalaki ay nakabulagta na napatay dahil sa war on drugs ni Duterte.

 Dakong alas-4:00 ng hapon nang sunugin  ang  “Duterte’s Cube o Rody’s Cube ” na gawa ng Ugat-lahi artists group.

Ito ay isang kuwadradong cube na kulay pula na sa apat na mukha ay may tig-iisang larawan ni Pang. Duterte, Dating Pang. Ferdinand Marcos, Hitler at isang aso o tuta na may kolyar na watawat ng Estados Unidos habang  umiikot sa pagsasayaw na may mga bandera at pla­cards ang mga militante.

Sa bahagi naman ng Plaza Miranda, tinatayang nasa 12,000 ang nagdati­ngan na pawang pro-Duterte na ayon sa Manila Police District (MPD). 

Sa Luneta Park, tinatayang nasa 4, 200 ang estimated crowd, na pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang grupong kontra-Duterte na  pinangunahan ng Movement Against ­Ty­ranny (MAT), isang alyansa ng mga grupo na may layuning pagkaisahin ang mga freedom-loving Pinoy laban sa tyranny, o paniniil sa kalayaan.

Ang grupong MAT ay binuo lamang noong Agosto 28 kasunod ng pagkapaslang sa 17-anyos na si Kian Delos Santos ng Caloocan City.

Kinabibilangan din ng grupong Lumads o Moro, ilang kilalang indidbidwal at religious leaders, mga pulitiko partikular ang mga dating kongresista at kasalukuyang nakaupo ang dumalo sa Luneta park kabilang sina Rene Saguisag at Sister Mary John Manazan, mga estudyante ng iba’t ibang unibersidad at kolehiyo.

Alas 8:00 ng gabi ay sabay-sabay na nagpatunog ng kani-kanilang dalang bells, cellphones, at iba pang gadget para makiisa sa ikinasang nationwide na pagkalampag ng mga kampana ng Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with