^

Police Metro

Magsisuko na kayo!

Pang-masa

Bato sa mga hazing suspects...

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon si Philippine National Police (PNP) Chief P/Chief Supt. Ronald “Bato’ dela Rosa na magsisuko na ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity na nasa likod ng hazing na kumitil sa buhay ni UST law student Horacio “Atio” Tomas Castillo III, 22.

Sinabi ni Dela Rosa na batid niyang hindi masasamang tao at mga kriminal ang mga mi­yembro at opisyal ng Aegis Juris fraternity  na maaring nadala lamang sa bugso ng damdamin sa hamon ng pagkalalaki sa pagsali sa  grupo kaya nagawang mapatay si Castillo.

“I’m sure hindi manlalaban ang mga tao na yan, educated yan mga law students  yan eh pero kung manlaban man sila we have no other recourse but to defend ourselves,” mariing banta ng PNP Chief.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang isa sa mga panguna­hing suspect na si Ralph Caballes Trangia noong Setyembre 19, dalawang araw matapos na dalhin  ang katawan ni Castillo sa Chinese General Hospital sa lungsod ng Maynila.

Sinasabing si Trangia ay  tumakas lulan ng Eva Air flight BR262 patungong Taipei, Taiwan na kabilang sa 16 katao na suspect sa hazing na isinailalim ng Department of Justice sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

 Sa kasalukuyang ay nakikipag-ugnayan na ang MPD sa kanilang counterpart sa International Police (Interpol) upang mapabilis ang pag-aresto kay Trangia.

Kabilang naman sa mga suspect ay sina Arvin Balag, Mhun Wei Chan, Mark Anthony Ventura, Axer Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabili, Jason Robino, John Paul Solano, Danielle Hans Matthew, Ranie Rafael Santiago, Carl Matthew Villanueva, Aeron Salients, Marcelino Bagtan, Zimon Padro at Jose Miguel Salamat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with