^

Police Metro

2 drug pusher dedo sa buy bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher nang mauwi sa shootout ang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Isidro, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Nepomuceno Esguerra, 53 at Alfredo Martinez Jr., 32.

 Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis sa Briones Subdivision, Brgy. San Isidro ng lungsod at habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog umano ang mga suspek na agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at napatay ang dalawang suspek na umano’y kapwa nasa drug watch list.

Narekober sa crime scene ang isang pistol at limang sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with