^

Police Metro

Highway tragedy sa Cavite:5 todas,11 sugatan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang limang empleyado ng Export Processing Zone Authority (EPZA) habang 11 ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok sa konkretong poste ng ilaw ang kanilang sinasakyang jeep sa kahabaan ng Centennial Highway, Brgy. Tabon, Kawit, Cavite kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Lorena Isaias, 43; Lorena Purificacion, 44; Melanie Macalalad, 32; Florijane Archivida, nasa hustong gulang at Christian Pallera,­ 36.

Ang mga nasugatan na dinala sa Divine Grace Medical Hospital ay sina Emmanuel Genzole, dri­ver ng jeep; mga pasahero na sina Joanna Campos, 31; Arjay Valencia, 24; Julian Villamor, 24; Jovie Love Cañada, 27; Rosalie Pallera, 40; Armando Molina, 69; Richard Refonte, 26; Elizabeth Gutierrez, 33; Fatima Illardo, 23 at Hazel Dimaala, 29.

Batay sa ulat, bago naganap ang aksidente dakong alas-6:15 ng umaga sa bahagi ng Centennial Highway ay kasalukuyang bumabagtas ang isang pampasaherong jeepney (DVK-713) na minamaneho ni Genzole nang mawalan  ng preno ang sasakyan.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Genzole at tuluy-tuloy na sumalpok sa konkretong poste ng ilaw sa tabi ng highway na agarang ikinasawi ng limang biktima.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, masyado umanong mabilis magpatakbo ng driver ng jeep na patungong Maynila.

Sumaklolo ang rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with