Kapalaran ni Faeldon nakabitin
MANILA, Philippines - Hindi pa sigurado kung sisibakin o hindi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa gitna ng isyu nang nakalusot na P6.4 bilyong halaga ng shabu mula sa China.
Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella na inirekomenda ng Dangerous Drugs Board Committee of House of Representatives na sibakin na sa puwesto si Faeldon dahil sa “gross incompetence” at isyu ng korupsiyon.
Subalit sinabi ni Abella, hihintayin ng Pangulo ang ulat mula sa dalawang Kapulungan ng Kongreso bago magpalabas ng desisyon tungkol sa BOC.
Anya, ikukonsidera ng Malacañang ang pahayag ng komite ng Kamara, pero hihintayin rin ang report ng Senado na hindi pa tapos ang isinasagawang imbestigasyon.
- Latest