^

Police Metro

Rookie cop tiklo sa robbery-extortion

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang naaresto ng mga elemento ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) matapos itong ireklamo ng robbery-extortion sa  isinagawang entrapment operation sa Pier 2, Tondo sa lungsod ng Maynila nitong Biyernes ng gabi.

 Kinilala ni PNP-CITF Chief P/Sr. Supt. Jose Chi­quito Malayo ang inarestong suspect na si PO1 Raymund Gulapa, nakatalaga sa Station Drug Enforcement Team  ng Manila Police District (MPD) Station 11. Patuloy namang pinaghahanap ang nakatakas nitong kasamahan na nakilala namang si PO1 Raymond Casas.

Sinabi ni Malayo, bandang alas-10 ng gabi ng masakote si Gulapa sa nasabing lugar sa aktong tinatanggap ang marked money.

Bago ang operasyon, sinabi ni Malayo na inireklamo si Gulapa ng pamilya ng suspect na si Jayvare Manubag na nasakote noong Hulyo 7 sa kasong pagtutulak ng droga sa lungsod ng Maynila kung saan kinuha rin umano ang ilan nitong mahahalagang kagamitan. Hinihingan umano ng dalawang tiwaling parak ng P 15,000 ang pamilya ni Manubag na natawaran ng P 10,000 kapalit ng pagpapababa sa kasong isasampa laban dito.

 Nang mabatid ang insidente ay agad namang ikinasa ng PNP-CITF operatives ang operasyon at nasakote ang suspect. Nasamsam mula kay Gulapa ang cal 9MM glock pistol na inisyu ring service firearm ng PNP at isang cal. 38 revolver na baril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with