^

Police Metro

2 drug pusher patay sa shootout

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang dalawa umanong drug pusher na sakay ng motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang isang nasawi ay kinilala lamang  sa alyas Jong habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-10:30 ng gabi  sa kahabaan ng Sitio Niño, Juana De Leo St., Greenhills, Brgy. San Dionisio ay napansin ng mga residente ang kahinahinalang kilos ng dalawang lalaki na armado ng baril na sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.

Isa sa mga residente ang nagtungo   sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) 4, Parañaque City Police at inireport ang dalawang suspek.

Kaya’t agad nagsagawa ng check-point sa lugar ang mga pulis at namataan ang dalawang lalaki na tumugma sa natanggap nilang report.

Pinahihinto umano ito ng mga pulis, subalit sa halip na tumigil ay pinaharurot nila ang  kanilang motorsiklo dahilan upang habulin sila.

Sa kasagsagan ng ha­bulan ay pinutukan umano ng mga suspect ang mga pulis na hindi tinamaan at nang  gumati naman ng putok ang mga huli ay napatay ang dalawa.

Nasamsam sa dalawang suspek ang 12 pakete ng mga hinihinalang shabu, pera, timbangan, isang kalibre 22, pitong basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre  at isang kalibre 38 baril.

Sa teorya ng pulisya, posibleng magdedeliber pa lamang ng shabu ang mga suspek sa kanilang parokyano nang ito ay masabat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with